Tuesday, November 15, 2016

Soberanya ng Bansa


     Ano ba ang soberanya? Ano ba ang mga uri at katangian nito? Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng soberanya ang isang bansa?

Soberanya

  • Tumutukoy ito sa kapangyarihang pinapairal ng isang Estado sa kanyang nasasakupan.
  • Sakop nito ang mga mamamayan,ari-arian, likas na yaman, at lahat ng mga bagay na nasa loob ng teritoryo.
  • Ang kapangyarihang ito ay hindi pwedeng saklawin ng ibang bansa.
  • May dalawang uri ng soberanya:
           1. Soberanyang Panloob
           2. Soberanyang Panlabas

Soberanyang Panloob
     Tumutukoy sa pinakamataas na kapangyarihan sa Estado na namamahala at nagpapatupad ng mga batas at kasulatan sa lahat ng mga mamamayang nasasakupan nito. Kabilang sa karapatang ito ang paglinang at paggamit ng mga Likas na Yaman ng isang bansa.

Kahalagahan
  • Nakikita ang kalayaan at karapatan ng bansa na malinang ang kanyang sariling yaman.
  • Itinataguyod nito ang pagkakaroon ng kaisahan upang sundin ang kapangyarihang umiiral sa loob ng Estado.
  • May namumuno sa mamamayan, ari-arian, at tanggapan sa nasasakupan nito.
  • Nakakapag may-ari ng mga lupain, gusaling pambayan, at tanggapan sa nasasakupan nito.
Soberanyang Panlabas
     Tumutukoy ito sa kapangyarihang maging malaya ng estado sa pamamalaka at gawin ang naisin sa pamamahala nang walang pang hihimasok o pag kontrol ng ibang estado. Ito ang kapangyarihang Estado na kinikilala ng ibang bansa.

Kahalagahan

  • Dito nakasalalay ang kalayaan ng isang bansa upang mapamahalaan ↗↗ang kanyang nasasakupan nang walang pakiaalm mula sa ibang mga bansa.
  • Dahil dito, ang mga adhikain ng pamahalaan at mga mamamayan para sa kaunlaran ng bansa ay maitataguyod base sa kanilang pagpapasya.
  • Sa ganitong paraan, makikita sa kanila ang mga ang pagtutulungan upang matamo ang inaasam na kaunlaran. Nakikipag- ugnayan sa ibang bansa. Nakapagsasarili.

Sagisag ng Soberanya ng Pilipinas



✩✩✩- ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong malalaking pulo ng bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao
- ang araw naman ay kumakatawan sa minimithing kalayaan ng bansa.
🐦 - ang agila naman ay sumisimbolo sa pananakop ng mga amerikano.
🐆 - ang leon ay sumisimbolo sa pananakop ng mga kastila sa Pilipinas.
     Ang kulay buhay ay sumisimbolo sa kapayapaan samantalang ang kulay pula naman ay sumisimbolo sa katapangan o digmaan.


Ngayong alam mo na ang kasagutan sa mga tanong sa itaas, para sa iyo bakit kaya mahalaga ang pagkakaroon ng soberanya ang Pilipinas?




5 comments: